RSS


RHYTHM OF THE HEART
(ORIGINAL STORY INSPIRED BY SAMVON TEAMUP. HOWEVER, THE SCENES AND EVENTS ARE PURELY BASED ON THE IMAGINATION OF THE AUTHOR)







ISANG masigabong palakpakan ang ipinagkaloob ng mga manonood sa labing-isang taong gulang na si Sara. She had everyone impressed with her solo dance performance.
            She bobbed a curtsy to say ‘thank you’. Pagkatapos niyon ay nagtungo na siya sa backstage. May mga sumalubong sa kanya upang batiin siya sa matagumpay na number.
            “You were really great, Sara,” anang class adviser niya.
            “Thank you, Miss Bern,” sabi niya. Masaya siyang maraming nasiyahan sa performance niya. She had been dancing in front of a huge crowd before, but she never did solo until now.
            Lumuwang ang kanyang ngiti nang mamataan ang Mommy niya na kanina lang ay nasa audience.
            “I’m so proud of you, anak,” anito nang salubungin siya ng yakap.
            “Thanks, Mom. But I wish, Dad’s here with us today,” may bahid ng panghihinayang sa kanyang boses.
            “Busy lang ang daddy mo, anak. But I’m sure, he would have wanted to come here and watch you nail it.”
            She smiled faintly. Ni minsan ay hindi pa siya pinanood ng daddy niya na magtanghal sa eskuwela. He’s always busy to give a little time for her.
            “Cheer up, young lady,” anang Mommy niya nang mapansin pa rin ang kalungkutan niya. “You’re the star today. Kaya naman ipinahanda ko kay Manang Puring ang lahat ng paborito mo.”
            “Really, Mom?” aniyang namilog ang mga mata. “Can we go home now?” tanong niya. She couldn’t wait to have a taste of her favorite kare-kare.
            Tumawa ito. “Of course! I knew you’d say that.”
            That night, habang nasa hapag-kainan ay masayang ibinalita ni Sara sa ama ang nangyari sa school presentation nila at sa tinanggap niyang mga papuri.
            Subalit hindi ito nagpakita ng kasiyahan. His face even went bleak.
            “What do you want to do, Alessandra?” sa halip ay tanong nito.
            “I want to dance, Dad,” she said full of conviction. Bata pa lamang siya ay alam na niya ang gusto niya. “I want to become a professional dancer someday.”
            Kapwa sila napaigtad ng Mommy niya sa ingay na nilikha ng kubyertos na ibinagsak ng daddy niya.
            “I wouldn’t want to hear that from you again, Alessandra,” mariin nitong saad.
            Napatingin siya sa mommy niya. Naguguluhan siya sa nangyayari. Naguguluhan siya sa inaasal ng daddy niya.
            “What do you mean, dad?” she asked.
            “Hindi ko pinangarap na maging isang mananayaw lang ang anak ko,” anito. “Wala kang mapapala sa pagsasayaw.”
            “But it’s what I want,” giit niya.
            Tiningnan siya nito. “I’m your father, and I know what’s best for you.”
            “Manuel…” apela ng mommy niya.
            Tinapunan lamang ito ng tingin ng daddy niya na tila sinasabing huwag itong makialam.
“From now on, ayaw kong nalalamang sumasali ka sa ano mang pagtatanghal kung hindi kinakailangan, Alessandra. Focus on your studies. Bilang panganay, you’ll take reins of our company someday.”
“But…”
“Don’t dare bend my rules, Sara,” babala nito na siyang pumutol sa kanyang protesta, bago umahon sa kinauupuan at iniwan sila sa komedor.
            Kusang tumulo ang mga luhang kanina pa nangingilid sa kanyang mga mata. Her father wants to stop her from doing what she loves the most—dancing. That’s not fair. Ang pagsuway niya ay tiyak na may katumbas na parusa.








HANGGANG alas-kuwatro lamang ng hapon ang huling klase ni Sara sa araw na iyon. Dahil maaga pa ay napagpasyahan niyang maglibot-libot muna sa buong campus. It was her way of familiarizing herself with her new environment. She was also hoping to see some familiar faces.
            Second year siya sa kursong Business Management at transferee sa unibersidad na iyon.  Unang linggo pa lamang niya doon. And she hadn’t made any friends yet. Medyo nahihiya kasi siyang lumapit at makipagkaibigan sa mga kaklase niyang tila pawang magkakakilala na.
            Bigla niya tuloy naalala ang mga kaibigan niya sa exclusive school kung saan siya nanggaling. They were her friends since grade school. Nami-miss na niya ang mga ito.
            Ganoon pa man ay wala siyang pinagsisisihan sa paglipat niya ng ibang eskuwelahan, na matagal na niyang pinakaaasam-asam. Only her father didn’t want to. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan at sa pambihirang pagkakataon, kinausap siya nito bago ang enrollment para sa school year na iyon at tinanong kung nais niyang lumipat ng eskuwelahan. Of course, she said ‘yes’. At bagaman mayroong pagtataka, hindi na rin siya nag-usisa pa, for the fear of him changing his mind.
            For her it was a sign of freedom. Although it was not an ‘absolute freedom’. Nakadikit pa rin sa kanya ang mga panuntunang itinakda nito. She could not wander outside the campus all by herself, because he said so. She could not take a cab alone, because he said so. She has to focus on her studies because he said so. And things like that. Nakakasakal. But she had no other choice but to remain a diligent daughter as possible. Ilang taon na lang ay magtatapos na siya at magkakaroon ng posisyon sa garment factory ng pamilya nila.
            Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Then she looked around.
Sa kanyang pagmumuni-muni ay hindi niya namalayang napalayo na siya. Nasa tapat siya ng isang building. Hindi niya alam kung sa anong department iyon. May mangilang-ngilang estudyante siyang nakita doon. Pumasok siya at tinahak ang corridor. She found out that it was the Center for Culture and the Arts Building.
            Tinahak niya ang mahabang pasilyo. Ilang nakapinid na pinto ang nadatnan niya. Ilan sa mga iyon, ay may naririnig siyang mga tunog gawa ng iba’t ibang instrumento. Sa pinakadulo ay naroon ang hagdan na siyang sumunod na tinungo niya. Katulad sa baba ay sinalubong siya ng mga saradong pinto, maliban sa isang bahagyang nakaawang.
            Lumapit siya upang sumilip. The room was huge and with wall mounted mirrors. Obviously, it was a dance studio. May naririnig siyang tugtog mula sa radyo subalit wala naman siyang nakitang mga tao doon. Akmang aalis na siya nang may mamataang lalaking naglalakad patungo sa gitna. Nakaharap ito sa salamin. She could only see how tall he is, but she could not see his face. It didn’t take long when he started dancing. She decided to stay and watch him strut in a hiphop remix and snippets of classical music. She was amazed. She suddenly missed dancing. Sandaling nakalimutan niyang para siyang namboboso lamang sa kakasilip sa maliit na siwang.
            Nagi-enjoy siya sa panonood nang biglang tumigil ang lalaki kahit hindi pa tapos ang tugtog, na siyang ikinadismaya niya.
            “How do you like it so far?” narinig niyang tanong nito.
            God, he doesn’t only have great moves. But a great voice as well!
            Hindi niya alam mayroon pa palang tao roon sa studio maliban dito. Lumipas ang ilang sandali, wala siyang narinig na sagot mula sa kausap nito.
            “You know what, it’s not forbidden to come inside the studio,” muli ay saad nito. May bahid ng amusement ang tinig. “Come here, and have a better view. Kaysa naman mahirapan ka pa diyan sa kakasilip.”
            She stiffened upon hearing that. Para siyang dagang nasukol ng pusa.
            Shit!
            So, all the while pala, alam nitong may nanonood dito.
           Nang makita ang pagpihit nito ay agad siyang umalis mula sa kanyang kinaroroonan. Sa kamalas-malasan pa ay nahulog ang tangan niyang libro na dali-dali niyang pinulot. Nang marinig ang papalapit na mga yabag ay lalo niyang bilisan ang kilos. Halos mahulog siya sa hagdan sa pagmamadaling makababa. Habol niya ang hininga nang sa wakas ay makalayo sa gusaling iyon. Sa parking area siya dumiretso.
            “May problema ba, hija?” tanong ni Mang Bert, ang driver cum bodyguard niya, nang makita siyang mukhang pagod na pagod.
            “Wala po, Mang Bert. Tara na po,” aniya at pumasok na sa sasakyan. Habang nasa daan ay hindi niya alaala pa rin niya ang nangyari kanina. Muntik na siyang masukol. Mabuti na lang at mabilis siya.
            But then, ano nga kaya kung naabutan siya ng lalaking iyon? She shivered on the thought of what could have happened. Odd, pero nakaramdam siya ng panghihinayang sa kaisipang hindi man lang niya nalaman kung sino ang lalaking iyon. Ni hindi niya nakita ang mukha nito. She started wondering how he looked like. Maganda ang boses nito, pati ang tindig. Wala sa loob na napangiti siya.
            Pagdating nila sa bahay ay nadatnan nila sa garahe ang sasakyan ng daddy niya. Bigla siyang kinabahan. Medyo na-late sila ng uwi dahil bukod sa nagikot-ikot pa siya sa campus ay na-traffic din sila.
            Huminga siya nang malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Tiyak niyang naghihintay ito sa kanya. At hindi nga siya nagkamali.
            “Good evening, dad,” bati niya, sabay halik sa pisngi nito.
            “Bakit ngayon lang kayo, Sara?” sa halip ay tanong nito. “You should be here an hour ago.”
            “I’m sorry, dad. May ni-research lang po ako sa library kanina,” pagsisinungaling niya upang hindi na humaba pa ang usapan. Bahagya siyang napayuko pagkatapos niyon, at kinagat ang labi. Hindi siya sanay na magsinungaling dito.
            Hindi ito nagsalita. Subalit ramdam niya ang mga mata nitong nakatuon sa kanya na tila tinitimbang kung nagsisinungaling siya o hindi.
            Siya namang paglabas ng mommy niya mula sa komedor. “O, Sara, nandito ka na pala.” She was rescued.
            “`Evening, Mom,” aniya, at lumapit dito at hinalikan ito sa pisngi.
            “Tamang-tama ang dating mo. But why don’t you go upstairs first, and change your clothes? Sumunod ka na lang sa amin sa komedor,” anito, saka binalingan ang esposo. “Honey, dinner’s ready.”
            Lihim niyang ipinagpasalamat ang pagdating ng mommy niya. Nagpaalam siya sa saglit sa mga ito at pumanhik na sa kanyang silid. Saka lamang siya nakahinga nang maluwag. When her father’s around, para siyang laging nasasakal.
            Hindi niya alam kung kailan ba siya makakahinga nang maayos kapag kaharap ito.
            That would be the day, Sara, pabuntong-hiningang sabi niya sa sarili.


SA mga sumunod na araw, hindi na mag-isa si Sara. Nagkaroon na rin siya ng bagong kaibigan. Si Lois. Kaklase niya ito sa lahat ng subjects. Naka-partner niya ito sa isang activity at mula noon ay naging kasa-kasama na niya ito.
            Simple lamang ito at nagmula sa simpleng pamilya. Nakapasok ito sa malaking unibersidad sa pamamagitan ng scholarship. Mabait at masayahin ito kaya madali niyang nakapalagayang-loob.
            “Ano ba `yon? Pinaghintay pa tayo nang matagal bago sabihing hindi talaga darating si Mr. Guarin,” himutok ni Lois habang papalabas sila ng classroom. Hindi sila sinipot ng professor nila sa isang subject. “Sumakit ang puwet ko sa kakaupo, `no.”
            Tinawanan niya ito. “Alam mo, ikain mo na lang `yang pagkainis mo. Tara sa cafeteria,” yaya niya.
            Sumimangot ito. “Kakakain lang natin kanina, a. Alam mo, mamumulubi ako kapag kasama kita.”
            “Problema ba `yon? I’ll treat you.”
            “Ha? Huwag na `no,” tanggi nito. “Nakakahiya naman sa `yo.”
            “Ano ka ba? It’s nothing. Ako naman ang nagyaya `di ba? Huwag ka nang tumanggi diyan, dahil magtatampo na talaga ako sa `yo.” Lagi na lamang kasi nitong tinatanggihan ang panlilibre niya dito
            Sandali itong nag-isip. “May magagawa ba ako?”
            Napangiti siya. “Wala.”
            Habang nasa cafeteria sila ay panay ang kuwentuhan nila. Nakakatuwa si Lois. Hindi ito nauubusan ng kuwento tungkol sa kung anu-anong bagay, maging tungkol sa pamilya nito. Makulay ang buhay nito. She somehow envied her.
            Kasalukuyang nagkukuwento ito nang may sumingit sa kanilang usapan na ikinaigtad niya.
            “Excuse me,” said the voice. A very familiar voice, that suddenly made her heart skip a beat. Ang akala niya ay nakaringgan lamang niya iyon.
            Sabay silang napaangat ng tingin ni Lois sa taong pinanggalingan niyon. Her jaws probably dropped, she didn’t know, when her eyes were greeted by the sight of a guy standing just beside them. He was not an ordinary looking guy, for chrissake. With his pinoy looks infused with patrician looks, he must be the most gorgeous guy she had ever laid her eyes on.
            “Hi,” sabi nito, na siyang muling umagaw sa unti-unting naglalakbay niyang diwa. Biglang napapahiyang nagbaba siya ng tingin.
            Natigilan siya nang may mapagtanto. That voice. Yes, that voice! Muli siyang napatingin dito.
            Ang lalaking sinilip niya sa dance studio noong nakaraang linggo at ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay iisa!
            “Alessandra Mondelio?” anitong, ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. He just mentioned her name.
            Hindi pa rin siya makapagsalita. Tila nalulon niya ang kanyang dila. Anong sadya nito doon at kinakausap pa siya? Alam ba nitong siya ang sumisilip dito noon? Pero paano? At paano nito nalaman ang kanyang pangalan? Hinanap ba siya nito? Balak ba siya nitong komprontahin?
           “Samuel? Samuel Lawrence Fontana, right?” si Lois, na sandaling nakalimutan niya ang presensiya.
            Napatingin siya sa kaibigan. Kung ganoon ay kilala nito ang lalaki.
            “Yes,” sagot ng tinawag na ‘Samuel’ ng kanyang kaibigan.
            Siya naman ang binalingan ng kaibigan. “Sara, magkakilala kayo?” tanong nito sa kanya.
            “Ha? Hindi.” Sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling.
            Kumunot ang noo nito. “Sigurado ka?” paniniyak nito.
            “She’s right, Miss,” sabad ng lalaki. “Hindi kami magkakilala ni Miss Mondelio. I just came here to give this,” anitong sabay lahad ng isang papel.
            Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang tangang papel nito. Doon nakasulat ang schedule niya. She lost it a week ago. Ang akala niya ay nahulog lamang niya sa classroom.
            How could you be so careless, Sara? Pagalit na sabi niya sa sarili.  Gusto niyang sabunutan ang sarili sa katangahan niya.
            Kinuha niya ang papel nang hindi man lang tinitingnan ang lalaki. She was too guilty, she was afraid to meet his eyes. Ang akala niya ay aalis din ito kaagad. Subalit, nanatili itong nakatayo roon. Hindi niya alam kung anong hinihintay nito.
            “Don’t I deserve a ‘thank you’ from you, Miss Mondelio?” tanong nito sa kanya.
           “T-thank you,” napipilitang sabi niya, bahagya pang sumabit ang kanyang boses.
           Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Ganyan ka ba talaga magpasalamat, Alessandra?” There was amusement in his voice. He addressed her by her first name. She didn’t know why her name sounded so good when he said it.
            She cleared her throat and tried to be unfussy afterwards. Sinubukan rin niyang tumingin sa mukha nito.
            “Thank you,” aniyang pinilit pang ngumiti kahit nanginginig ang kanyang mga labi. “Sapat na ba `yon, Mister?”
            Nakita niya ang pagluwang ng ngiti nito. Nahigit niya ang paghinga. “I think that would be fine… for now.” Akmang tatalikod na ito nang mapapihit. “By the way, next time, be careful,” then he winked at her.
            Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi. Of course, she knew what he means.
            Nang makaalis ito ay hindi siya tinigilan sa kakausisa ni Lois. Subalit hindi siya nagkuwento ng kahit ano dito. Ito na lang ang nagkuwento sa kanya.
            “Alam mo maraming maiinggit sa `yo,” sabi nito. “Actually, marami nang naiinggit sa `yo ngayon.” Inginuso nito ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa kanila. Kanina pa niya napansin iyon, ngunit ipinagsawalang-bahala lamang niya.
            “Bakit naman?”
            “Kasi nilapitan ka ng isang Samuel Lawrence Fontana. Saka imagine-in mo, hinanap ka niya para lang ibigay ang papel na `yan?”
            Tumaas ang kanyang kilay. “So? Big deal ba `yon?”
            Tumawa ito. “You have no idea, but Samuel Fontana is a big thing, Sara. Gorgeous, talented, and not to mention, super rich,” Lois’ eyes widened in emphasis. “Maraming naghahabol sa kanya dito sa university. Maraming naghahangad na mapansin niya. And you? You are just one lucky girl.” 
          She's one lucky girl?


: to follow


post signature





0 Comments:

Post a Comment